Palengke Disaster: Not Just Once but Twice!

Makulay ang Buhay kung ang Ulam ay Makukulay
....na Isda

Hindi naman kami mayaman. 
Pero all my life hindi pa talaga ako nakakapunta ng palengke. 

(Weeh?! Hindi nga?!)

Hindi pa talaga! I mean, hindi na talaga! 

Masisisi mo ba naman ako eh dalawang trahedya sa buhay ko at ng aking pamilya ang nangyayari sa tuwing tumapak manlang ako ng palengke?!

Noong grade four ako, inutusan ako ng aking tiya na bumili ng ulam.
Malawak ang palengke sa aming munting bayan ng Kalibo kung kaya't napagpasyahan kong maglibot muna at saka na maghanap ng mauulam namin tutal marami naman dyang sariwang isda.

Naglibot libot. 
Nakaka-aliw naman ang mga nagsisigawang mga tindera na may dalang tila mga wand para hindi madapuan ng langaw ang kanilang mga paninda. 
Ang sarap palang maglibot ng palengke.
Hanggang sa mag-aalas dose na. Kelangan ng bumili ng tunay na isinadya.

Ang daming isda. 
Tila lahat ay masasarap - mayroong bangus, hasa hasa, bisogo, atbp. 
Lahat mukhang masasarap.
Pero, ayunnnn!

Kay sarap tingnan, masarap siguro tong iluto! hehe

Laking takot ng aking tiya ng makita nya ang kaygagandang isdang tulad nito.

Mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang makukulay na isda.
May isang balde ng makukulay na mga isda. Parang mga nagsilundayang mga aquarium fishes.
Nakakatuwa naman nilang tingnan. Masarap din siguro silang lutuin?

Tumawad ng kaunti kay ale at iniuwi na sa bahay ang isang kilo mahigit na makukulay na isda.
Buong sigla at buong pagmamalaki kong iniuwi ang aking biniling isda. 
Tiyak masarap itong prituhin o di kaya'y lagyan ng Magic Sarap! (Weeh! Wala pang ganun noon)

Nang makita ng aking tiya ang binili at tila pinasukluban ng langit ang kanyang mukha.
Hindi ko maintindihan. Kay gaganda ng isda, bakit ayaw nya?!

Dali daling nagpabili na lamang ng sardinas ang aking tiya at ipinaliwanag sa akin
na yung mga binili kong isda ay mga aquarium fishes nga! (patay nga lang)
at hindi pwedeng makain.

Ako na nga! Ako na ang reyna ng sablay!



Isang Linggong Adidas Diet

At talaga namang pinagkatiwalaan akong ulit na mamalengke. Ayoko na nga eh! Pero dahil sa mabait akong bata, inatasan naman akong bumili ng isang linggo naming kunsumo. Pang one week meal kumbaga.

This time hindi na ako masyadong namangha sa palengke.
Pero takot parin ako.

At laking takot ko nung hindi ko makita ang hili hilerang mga nagtitinda ng mga manok.
May sa kung anong celebration noon at tila lahat ng mga nagtitinda ay on leave

Wait, si Aling Rosing andun sa bandang dulo. 
Nagtitinda din sya ng manok! At ako'y pumunta sa dakong iyon ng palengke.

Laking tuwa ko ng makita ko sya.
Pero laking gulat ko naman ng ang itinitinda nyang puro mga adidas lang ng manok.
Yung tipong, explain ko pa? Eto oh...

Hello there! (You wag your nails when you say "hello there")
Hello there! For a week!
image by BurntLumpia

Nang dahil sa takot ko na wala akong mabili, binili ko ng isang kilong adidas ang aking pamilya.

Masaya at panatag ang loob kong umuwi bitbit ang isang kilong hindi magkamayaw na adidas.
Matutuwa nito si mama kasi nakabili ako
kahit sarado na halos lahat ng mga tindera nga manok.
On leave silang lahat except kay Aling Rosa.

Pag-uwi ng bahay ay sinalubong ako ng aking ina...

Hanggang sa pati ang kanyang mga kilay ay nagkasalubong ng makita ang aking dala...

Isang linggo naming pinagsaluhan ang Adidas. 
Ang dami nga naming naisip na variety - may adobo, sinigang, prito, atbp.

Actually ako lang dapat ang kakain, pero naawa na rin sa akin ang aking pamilya...kaya..

Ako na! Ako na nga! Ako na ang Reyna ng lahat ng mamimiling mali!

Ikaw? Anong funny story mo? Halika, share mo dito!

No comments: