Ang Exercise ni Gina: Squeeze Your Butt

Pilyang bata si Gina. 


Naturingan pa namang gobernador ng kanilang classroom, ngunit hindi parin matawaran ang kakulitan at kaiklian ng kanyang attention span. 

Kung ang gold fish ay may attention span na 3 seconds, si Gina naman, kapag ka hindi Ingles ang instructions ay hindi nito pinag-tutuunan ng pansin. Marahil ay sa hindi nya pa ito naiintidihan noon, o talagang ayaw nya lang intindihin.

Isang araw sa kanilang pagsusulit sa PE, inatasan sila ng kanilang guro na ipikit ang kanilang mga mata para sa isang natatanging exercise para sa katatagan ng ibabang bahagi ng kanilang katawan tulad ng tuhod, binti, atbp. 

Lahat ay napapikit na samantalang si Gina ay napilitan na ring pumikit. Nagsimula ng magbigay ng instructions ang titser. 

Titser: Okay class, try to reach your hands on your toes. 

Lahat ay nagsipagsunod sa iniutos ng guro. Halos magkanda bali bali na ang mga buto ng mga bata sa pag-abot ng kanilang mga daliri sa kanilang hinlalaki sa paa. Sumunod ay nagbend, nagstretch, nag split ng bahagya na lahat ay nakapikit ang mata upang makapagfocus. 

Si Gina naman ay sa para wala lang na inabot ng mga bahagi ng katawan na itinuturan ng guro. 

Okay naman sana ang exercise. Actually boring nga, hanggang sa sinabi ng titser.

Titser: Alright class, now, squeeze your butt.

May ganun?!
Turan ni Gina sa kanyang sarili.
Bagama't nalilito ay pinisil ni Gina ang ibabang bahagi ng katawan kagaya ng instructions ng guro. Sabi pa ng guro, "Tighter". At si Gina naman ay nag-aalangang hinigpitan ang pakakahawak at pagakakapisil.
Tighter ika nga ng guro. 

Pagkatapos ng klase, tila may kahulugan ang pagkakangisi ng kanyang guro. Doon na lamang na realize ni Gina na mali pala ang kanyang pagkakasqueeze ng butt kasi she took it literally.

Pagkatanga- tanga talaga ni Gina. Hayyz.


Oh sya! Oo na! Ako na! 
Ako na nga ang pinataka-tangang Pilipinang si Gina Jonha.

May kwento ka bang hindi mo pa nailalahad sa mundo? Kwentong kahit bayaran ka pa ng isang milyon ay hinding hindi mo isisiwalak dahil baka mawalan ka na nga fes na ipanghaharap sa mga kakila mo? Hindi nga?! Pano kung bigyan ka ni Jayvee ng Galaxy Tab para lang ikwento ito? Halika, share mo rin dito...

No comments: